Lahat tayo ay dumadaan sa pagkahumali sa isang bagay. Minsan nga sinasabi na natin itong isang temtasyon.
"Wag na wag mo kong tingnan ng ganyan" Mylene
"Hindi mo ko madadaan sa maganda mong itsura!!!" Charisse
"Hinding hindi kami maaakit sayo!!" Bianca
sabay talikod ng tatlong magkakaibigan at bumulong.....
"Hindi ko talaga siya matitiis" Charisse
"Ako nga eh.." Bianca
"Anong plano natin?" Mylene
"Hindi ko din alam...ehh kaunti na lang ang sa akin" Bianca
sabay tingin pabalik
"uhhmmm mga miss anong kailangan niyo?" sabi ni Allan
"Hindi ko na kaya!!" Charisse
"Akin ka na lang!!!" Mylene
"Ha?? anong pinagsasabi niyo??" Allan
Tumakbo sila Mylene, Charisse, at Bianca papunta kung saan naroon si Allan
"Alam kong ang hot ko....isa isa lang" Allan
"Tabi nga" sabay tulak ni Bianca kang Allan
"Kapal mo!!" Mylene
"WAAAHHHHH.....hindi namin kaya na hindi matempt sa iyo" sabi nilang tatlo
sabay kuha ng ice cream sa cooler
"Kahit kaunti na lang ang aming pera bibili at bibili pa din kami" Charisse
"oo nga" Bianca
At bumili nga ng Ice Cream ang magkakaibigang Mylene, Charisse at Bianca....at masaya silang naglalakad sa daan, habang si Allan ay na iwang naka tulala......
At dun nagtatapos ang
TEMPTATION OF ICE CREAM..........
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento